ALAMIN: Mga saradong kalsada sa Cordillera dahil sa pagguho ng lupa

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 07:57 PM

Nagsasawa na ng clearing operations sa ilang kalsada pero may operasyon sa ibang lugar ang suspendido dahil sa patuloy na pag-uulan. Larawan mula sa Bakun Municipal Police Station

BAGUIO CITY – Ilang mga kalsada sa Cordillera ang sarado dahil sa pagguho ng lupa at bato bunsod ng pag-ulang dala ng bagyong Falcon.

Pansamantalang sarado sa mga motorista ang mga sumusunod na kalsada:

  • Busa Section, Sabangan, Mt. Province
    Alternate route:
    1. Nacagang- Abatan, Bauko, Maba-ay Provincial road
  • Barangay Madduang, Kabugao, Apayao
  • Governor Bado Dangwa National Road
    Alternate route:
    1.Tonguey - Madaymen Road
    2. Palina Acop Section
  • Matteled Section, Dupligan, Tanudan, Kalinga
    Alternate Route:
    1. Cugal -Gombuwoy Provincial Road

Nasa 18 kalsada naman ang one lane passable lang dahil pa rin sa soil erosion. 

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Tabbak Section, Barangay Namatec, Sabangan, Mt. Province
  • Barangay Madduang, Kabugao, Apayao
  • Kabugao-Pudtol-Luna-Cagayan Boundary Road 
  • Upper Maton, Pudtol, Apayao
  • Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road
  • Tulludan, Tinoc, Ifugao
  • Nueva Vizcaya - Ifugao - Mt. Province Boundary Road, K0342+090, Barangay Viewpoint, Banaue, Ifugao
  • Barangay Viewpoint, Banaue, Ifugao
  • Banaue-Mayoyao-A. Lista-Isabela Boundary Road, Mayoyao, Ifugao
  • Intermittent Sections, Galanogon, Aguinaldo, Ifugao
  • Pinukpuk Junction-Abbut Section, Turayuk Section, Catabbugan, Pinukpuk
  • Kalinga-Cagayan Road, K0516+400 - K0516+425, Spring Section, Nambaran, Tabuk City
  • Mabongis Section, Bugnay, Tinglayan, Kalinga
  • Bugnay Section, Tinglayan, Kalinga
  • Ambato, Tinglayan, Kalinga
  • Malanas Section, Saclit, Sadanga, Mt. Province
  • Tapaw Section, Lias, Barlig, Mt. Province
  • Hakrang, Banawel, Natonin, Mt. Province

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Cordillera, kasalukuyan naman ang clearing operation sa ilang kalsada pero may operasyong sinuspinde muna dahil sa patuloy na pag-uulan.

Pinag-iingat naman ng DPWH ang mga motorista at pinaalalahanan na kung maaari ay huwag na munang bumiyahe kapag malakas ang ulan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.