22 timbog dahil sa alok na mga pekeng dokumento sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 03:04 PM | Updated as of Jul 18 2019 07:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sinalakay nitong Huwebes ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang hanay ng pagawaan ng mga pekeng dokumento sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila.

Sa bisa ng search warrant, ni-raid ng mga awtoridad ang mga puwesto, kung saan 22 indibidwal ang inabutan at inaresto.

Kabilang sa mga nadiskubreng pekeng dokumento na alok ng mga suspek ang mga sumusunod:

  • Birth certificate
  • SSS ID
  • Passport
  • Voter's ID
  • Driver's license
  • Diploma
  • Transcript of records.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbentaryo ang pulisya ng mga nakumpiskang pekeng dokumento.

—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.