Team leader ng LTO regional enforcers, patay sa ambush

Lorilly Charmane D. Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 11:18 AM

SURIGAO CITY – Patay ang team leader ng enforcers ng Land Transportation Office Regional Office matapos pagbabarilin ang kanilang sasakyan, Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Felixberto Loayon. Sugatan naman ang dalawang kasamahan nito.

Sa imbestigasyon ng Surigao City Police, binabaybay ng grupo ang kalsada papuntang sentro ng Surigao City nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan sa mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.