Higit 20 stalls nasunog sa Tacurong City

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 01:22 PM | Updated as of Jul 17 2019 03:08 PM

Nagsimula umano ang sunog sa isang karinderya matapos na sumabog ang LPG nito.

TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Higit 20 commercial stalls sa gilid ng Tacurong City public transport terminal ang tinupok ng apoy, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy pasado alas-10 ng umaga sa isang karinderya matapos na sumabog umano ang isang LPG.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog na mabilis kumalat sa mga katabing tindahan na gawa sa light materials.

Walang naisalbang gamit ang mga may-ari ng tindahan sa bilis ng pangyayari.

Sa inisyal na report ng BFP, umabot sa higit P1-milyon ang pinsala idinulot ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.