1 anyos sanggol na lalaki ginahasa, pinatay sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 11:11 AM | Updated as of Jul 17 2019 07:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA (2ND UPDATE) - Natagpuang patay at nakitaan ng senyales ng panggagahasa ang 1 taon na sanggol na lalaki sa Barangay San Antonio, Makati City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng sanggol na si alyas "Mark" pasado hantinggabi ng Miyerkoles, matapos itong mawala bandang alas-8 ng gabi Martes. 

Wala na umanong salawal at diaper ang bata nang makita ang katawan nito sa isang abandonadong gusali sa lugar. 

Agad dinala ang sanggol sa Sta. Ana Hospital pero idineklara itong dead on arrival.

Nang suriin ng pulisya ang bangkay, nakita nilang ginahasa ang biktima dahil sa nakitang specimen sa puwitan nito. 

Nagtamo rin ng hematoma sa iba't ibang bahagi ng katawan ang sanggol. 

Batay sa salaysay ng ilang saksi, huling nakita ang sanggol kasama ang isang 28 anyos na manggagawa. 

Nang tanungin ukol sa krimen, sinabi nitong wala siyang maalala dahil lasing siya. 

Nakitaan naman ng mga dugo ang underwear ng suspek kaya inaresto ito habang iniimbestigahan pa ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.