Awstralyana, 'minolestiya' ng masahista sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 05:47 AM | Updated as of Jul 17 2018 06:51 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Kalaboso ang isang masahista matapos umano niyang molestiyahin ang kustomer na Awstralyana sa loob ng isang spa sa Mandaluyong City.

Minasahe umano ng suspek ang likod at dibdib ng biktima kahit foot massage lang ang kinuhang serbisyo nito.

"Why would he massage her shoulders then her breast," kuwento ng lalaking kapatid ng biktima.

"She held his hand then she said enough. She was distraught. She was disheartened."

Naubusan umano kasi ng babaeng masahista ang establisimyento. Pumayag ang biktima dahil foot massage lang naman ito.

"He was sweet-talking her. He was asking where she’s from. Maybe they really do that but my sister is not used to it," dagdag ng kapatid ng biktima.

Pinabulaanan naman ng suspek ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Kasama aniya sa foot massage ang pagmasahe sa likod ng 10 minuto. Hindi rin daw niya hinawakan ang dibdib ng Awstralyana.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang pulisya dahil sa sensitibong kaso.

Desidido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng karampatang kaso laban sa masahista.

"Women should be protected and not to be blamed," ayon sa kapatid ng biktima. - ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.