Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sumirit sa higit 61,000

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 06:22 PM | Updated as of Jul 16 2020 10:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sumampa na sa higit 61,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Huwebes, batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH).

Sa ulat ng kagawaran, 2,498 dagdag impeksyon ang naitala, dahilan para sumirit sa 61,266 ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa. 

Ayon sa DOH, 38,183 dito ay active cases o kasalukuyan pang ginagamot. 

Nauna nang sinabi ng UP OCTA Research group na posibleng sumipa sa higit 60,000 ang COVID-19 cases sa Pilipinas sa katapusan ng Hulyo.

Samantala, 467 bagong pasyente naman ang gumaling kaya nasa 21,440 na ang kabuuang recoveries.

Gayunman, umakyat sa 1,643 ang bilang ng mga namatay matapos masawi ang 29 pasyente.


—Mula sa ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.