Ilang lugar sa Taguig, Marikina at Rizal, mawawalan ng suplay ng tubig

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 10:45 PM | Updated as of Jul 17 2020 12:42 AM

MAYNILA - Nag-abiso ang Manila Water sa kanilang mga customer na mag-ipon ng tubig dahil mawawalan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa Taguig, Marikina at Riza simula Huwebes ng gabi.

Sa inilabas na abiso ng Manila Water, mula alas-9 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Biyernes, mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay San Carlos sa bayan ng Binangonan, Rizal.

Mula naman alas-10 ng gabi nitong Huwbes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Biyernes, mawawalan din ng suplay ng tubig sa Western Bicutan, Taguig at sa East Drive, Marikina Heights.

Ang water service interruption ay bunsod ng isinasagawang line maintenance, installation ng line meter at network upgrade activity sa mga nabanggit na lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.