Higit 170 ospital natulungan ng partnership ng 'WeCare.PH' at 'Pantawid ng Pag-ibig'

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 09:15 PM | Updated as of Jul 30 2020 11:33 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Araw-araw halos 100 pasyente ang dumarating sa Gregorio Del Pilar Hospital sa Bulakan, Bulacan - na nagsisilbing transitory hospital para sa mga hinihinalang may COVID-19 sa kanilang lugar. 

Mayroon lang itong 25-bed capacity at 10 doktor, na nababawasan pa dahil kailangan din bilang umaalalay sa Bulacan Infection Control Center, kung saan marami ang dinadalang COVID-19 patients. 

"Dose-dose oras na ang mga nurse natin, tapos ang mga doktor 48 hours," ani Gliseria Babala, administrative officer ng ospital. 

Sa paghaba ng bawat shift ng mga medical frontliner, mas nadadagdagan ang kanilang pangangailangan sa personal protective equipment. 

"Ngayon nagpapatahi ka lang, tapos hihintayin mo ay ganun pang date darating tapos darating yung ayuda," ani Babala 

Over-capacity na rin ang Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila kung saan dumarami rin ang staff na nagpositibo sa COVID-19. 

Kaya isinusulong ngayon ng ospital na stay-in na ang mga staff na nagdulot ng karagdagang demand sa PPE. 

"Overflowing na ang aming NICU, yesterday 172 na ang aming ano, kaya nagdodoble na sa bassinet," ani Romeo Bituin, Chief of Medical Staff ng ospital. 

Mula nang inilunsad ang partnership ng ABS-CBN at WeCare, may mahigit 170 ospital nang natugunan ang pangangailangan sa pamamagitan ng WeCare.PH website. 

Kabilang si Flip Ruby sa mga unang sumubok sa serbisyo ng WeCare, na ginawang mas madali ang pagtulong sa mga medical frontliner na nangangailangan. 

"With that platform I was able to see something i can easily buy on my end and deliver it to those in need," ani Ruby. 

Sa pamamagitan ng WeCare.PH, puwedeng malaman kung anong mga ospital ang nangangailangan ng tulong at kung anu-ano ang mga gamit na kailangan. 

Maging mga supplier na puwedeng pagbilhan ng mga PPE, nasa website din. 

Narito rin ang impormasyon para madaling ma-contact ang mga ospital at suppliers para mas madaling maipadala sa mga nangangailangan. 

Tumatanggap rin ng cash donations ang WeCare.PH na siya nang ipinambili ng ABS-CBN Foundation ng mga surgical mask na dinala sa iba't ibang ospital sa Metro Manila at karatig-probinsiya, na sinabayan ng karagdagang supply mula sa "Pantawid ng Pag-ibig" campaign. 

May mga diaper para sa Jose Fabella Hospital at iba pang institusyon na kumakanlong sa mga batang apektado ng lockdown. 

"I think with the partnership with ABS-CBN it will balloon in terms of coverage and scope. It's going to bridge donors like us with hospitals that actually need it," ani Ruby. 

"Nagpapasalamat kami kasi pag nakikita ng employees na may nagdo-donate, nabubuhayan ng loob kasi napoproteksyunan talaga natin sila," ani Bituin. 

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:
 

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:
 

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2020/tvpatrol/07/01/8.jpeg] 

 

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.