34 magulang ng mga batang lumabag sa quarantine protocols ng Maynila, hinuli

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 08:49 PM

 

Hinuli ng mga awtoridad sa lungsod ng Maynila ang 34 na magulang ng mga menor de edad na lumabag sa quarantine protocols, sabi ngayong Huwebes ng public information office ng pamahalaang lungsod.

Sa isang Facebook post, sinabi ng lokal na pamahalaan na paglabag sa Ant-Child Endangerment Act, o City Ordinance No. 8243, ang pagpapabaya ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Bagama't hindi inilahad kung anong protocols ang nilabag ng mga bata, sinabi ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na makikialam ang pamahalaan kung hinahayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na lumabas ng bahay na walang suot na face masks habang curfew hours.

"We’re not happy about it. I am not happy. I don’t want to separate children and parents. But I will do that if you’re irresponsible parents," ani Moreno.

"I will intervene, as government, to take care of our children or minors. That is also the job of the government, to intervene," dagdag pa niya.

Ayon sa alkalde, seryoso sila sa implementasyon ng batas sa gitna ng pandemya.

"Kailangan matuto ang mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak," sabi niya.

"I have to bite the bullet, I have to implement the law to keep the order in Manila.” 

Ayon sa Manila Police District at social welfare department ng lungsod, ang pag-aresto ay naganap sa Barangay 50, 51, 52, 53, 55, 56, 61, 221, at 228.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.