TINGNAN: Guro, lumusong sa baha pasan ang estudyante

Bea Carcillar Zaragosa, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 01:16 PM | Updated as of Jul 16 2019 10:56 PM

Pasan ng gurong si Jessica Jayloni ang kaniyang mag-aaral na babae nang lumusong sa baha. Larawan mula kay Regina Escueta

Nakuhanan ng larawan ang isang guro na pasan ang kaniyang estudyante habang lumulusong sa binaha nilang paaralan sa Iloilo City, Martes ng umaga.

May sugat umano ang babaeng mag-aaral at ayaw ni teacher Jessica Jayloni ng Iloilo City National High School na maimpeksiyon pa ito sa paglusong sa baha.

Watch more in iWant or TFC.tv

Umabot ng lampas sakong ang tubig na pumasok na sa mga silid-aralan ng naturang paaralan. Isa ang kanilang paaralan sa mga kadalasang binabaha.

Nagsiuwian na rin ang mga mag-aaral matapos kanselahin na ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang klase dahil sa sama ng panahon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.