Pederalismo itinutulak ng MNLF

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 01:38 AM

Itinutulak ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang federal form of government na solusyon umano para makamit ang kapayapaan sa bansa, lalo na sa iba't ibang tribu sa Mindanao.

Ayon kay Rolando Olamit, secretary-general for political mobilization ng MNLF, hahatiin sa 3 division ang bansa sa federal form of government. Ito ay ang Luzon federal state, Visayas federal state at Bangsamoro federal state.

Ilan aniya sa mga benepisyo ng federalism ay ang pagiging independent ng mga Muslim sa Mindanao.

"They have a chance to govern themselves... kung ang pederalismo maisulong natin then ma-decentralized natin," ani Olamit.

Tiwala ang MNLF na maitutupad ang pederalismo dahil ito ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte nang tumakbo siya sa pagka-Presidente.

"Magkakaroon ng sharing sa revenue. 70 [percent] will go to the local. Uunlad ang local then 'yung traffic ng Manila mag-decongest 'yan kasi mag-uwian ang mga tao," dagdag ni Olamit.

May pananalig din ang dating alkalde ng bayan ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental sa pagtutulungan ni Duterte at MNLF founder Nur Misuari.

"It's good for Mindanao to be independent. Otherwise under the grasp of Manila pa rin... If federalism, we will devolve functions of central government to the provinces or to the state," ani Atty. Joemax Ortiz.—Ulat ni Mark Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.