Granada nakita sa labas ng paaralan sa Davao del Sur

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 03:51 PM

Nasa kustodiya na ng pulisya ang granadang natagpuan sa isang paaralan. Larawan mula sa Davao del Sur Police


KIBLAWAN, Davao del Sur – Isang granada ang nakita ng isang mag-aaral ng Cogon Bacaca Elementary School dito sa bayan, Lunes ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang granada sa drainage canal sa gilid ng kalsada ng paaralan.

Ayon sa Davao del Sur Provincial Explosives Ordnance Disposal Team, nasira at may kalawang na ang fusing system ng Mk 2 fragmentation grenade pero nanatili pa ang detonator at pampasabog sa loob.

Nasa kustodiya na ng explosives ordnance team ang granada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.