'Tulak, nagpapabayad ng mga nakaw na gamit'

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2018 08:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto ng mga pulis sa Meycauayan, Bulacan noong Linggo ang isang lalaking nagbebenta umano ng droga kapalit ang mga nakaw na gamit.

Ayon kay Superintendent Santos Mera, hepe ng Meycauayan police, sa halip na pera, mga nakaw na gamit ang tinatanggap na pambayad ng umano'y kilalang tulak na si Mario Lucero.

"Sa ibang lugar ng Bulacan, so kapag nakanakaw na sila, pupunta sila sa Meycauayan, papalitan nila ng shabu," ani Mera.

Kasamang nahuli ni Lucero ang isang Emerson Dela Cruz, na nagdala sa kaniya ng ninakaw umanong welding machine para ipagpalit sana sa droga.

Bukod sa welding machine, nakuha din ng mga pulis sa operasyon ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Inamin din ng dalawa na gumagamit sila ng droga.

Nahaharap ang dalawa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. --Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.