QC Legislative Building isasara muna dahil sa mga kaso ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2020 10:27 PM

MAYNILA - Simula July 15 hanggang 19 o hanggang sa matapos ang testing at containment measures, isasara ang Quezon City Legislative Building matapos magpositibo sa coronavirus ang tatlong city councilors at mga office staff.

Sa pahayag, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na magsasagawa ng masusing contact tracing at follow-up testing.

Magkakaroon din ng disinfection at sanitation sa gusali.

July 10 nang pansamantala ring isara ang Quezon City Hall of Justice matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang court officers at empleyado.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagpositibo siya sa COVID-19.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.