Higit P4 milyong halaga ng shabu nasabat sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2020 11:33 PM

MAYNILA - Higit P4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Barangay Pasong Putik, Quezon City nitong Martes ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, nasa 700 gramo ng naturang kontrabando ang nasamsam sa isang suspek sa Belfast Avenue.

Naaresto din sa operasyon ang isang 42-anyos na babae.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.