SK kagawad, tiklo sa buy-bust sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2018 05:21 AM

MAYNILA - Arestado ang isang Sangguniang Kabataan kagawad at kaniyang kasamahan sa buy-bust operation sa Batangas St., Tondo, Maynila.

Batay sa paunang ulat ng Jose Abad Santos Police, nakabili ang mga operatiba ng P200 halaga ng umano'y shabu mula sa mga suspek.

Narekober sa kanila ang 3 sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.