'Pantawid ng Pag-ibig': Pagkain hatid sa mga taga-Smokey Mountain

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 08:37 PM | Updated as of Jul 13 2020 08:49 PM

Umagapay ang Pantawid ng Pag-ibig sa mga pamilyang nakatira sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila. ABS-CBN News

Sa pagtutulungan ng pamahalaan at mga non-government organization, unit-unti nang nabago ang komunidad ng Smokey Mountain sa Tondo, Maynila.

Ang dating gabundok na basura ay napalitan ng malalaking puno at mga istruktura.

Pero problema pa rin ng karamihan sa mga pamilya doon ang kakulangan sa maayos at regular na pagkakakitaan, na pinalala pa ng krisis sa COVID-19.

Sanay na sa pagsubok sa buhay ang 45 taong gulang na si Anna May Gaban dahil lumaki siya sa pangangalakal ng basura.

Pero hindi umano niya inasahang mas pahihirapan ng pandemya ang kanilang kalagayan.

"Nakararanas po kami ng gutom," ani Gaban.

Kagaya ni Gaban, sa basura rin umaasa ang senior citizen na si Calixto Pascual.

Driver si Pascual ng trak ng basura pero tumigil ang operasyon ng pinapasukang waste management company noong Enero.

Hindi umano madali ang paghahanap ng bagong trabaho.

"Ako nahihirapan din kasi unang-una, may edad na ako. 'Yong iba ayaw nang tumanggap ng senior," ani Pascual.

Aminado ang lokal na pamahalaan na malaking bagay ang pakikipagtulungan para makaraos sa krisis ang kanilang lugar.

"Ang tindi noong hamon dahil bawal lumabas," ani Albin Salamat, kagawad ng Barangay 128 sa Tondo.

Katuwang ang Feeding Metro Manila, naghatid ng mga lutong pagkain ang Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN sa mga pamilya sa Smokey Mountain.

Isa sa mga volunteer si Linda Sardido, na piniling ipagdiwang ang kaniyang kaarawan sa pamamagitan ng paghatid ng tulong sa mga taga-Smokey Mountain.

"Nakakataba ng puso, nakakatulong sa kapwa sa ganitong sitwasyon sa pandemic na ‘to," ani Sardido.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

[EMBED SLIDESHOW FROM THIS ARTICLE --- https://news.abs-cbn.com/news/07/08/20/pantawid-ng-pag-ibig-ilang-jeepney-drivers-sa-bulacan-hinatiran-ng-tulong]

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.