Mahigit P5-M halaga ng 'shabu' nasabat sa Las Piñas

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 10:59 PM

MAYNILA - Nasa P5.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa 3 suspek sa buy-bust operation sa Las Piñas City Lunes ng hapon.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, nangyari sa parking lot ng isang mall ang transaksyon sa pagitan ng mga suspek at poseur buyer.

Nakumpiska ang 800 gramo ng shabu at kotse sa mga suspek.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.