Higit P1M halaga ng ilegal na droga nasamsam sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 01:03 PM

Aabot sa higit P1 milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Marikina noong gabi ng Linggo, kung saan naaresto ang isang suspek.

Ayon kay Police Senior Supt. Restituto Arcangel, huli si alyas "Michael," 48, sa operasyon sa Barangay Malanday maga-alas-9 ng gabi.

Nakipag-transaksiyon umano ang suspek sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha umano sa suspek ang plastik ng hinihinalang shabu na may bigat na 153 gramo at nagkakahalagang P1,040,000.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.