'Big-time' oil price hike papalo sa Hulyo 16

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2019 05:08 PM


MAYNILA — May malaki-laking oil price hike na inaasahan sa susunod na linggo.

Tinatayang dagdag-presyo simula Martes

  • Gasolina → P1.10-P1.30/litro
  • Diesel → P0.70-P0.80/litro
  • Kerosene → P0.70-P0.80/litro

Paliwanag ng mga eksperto, tumataas ang presyo ng imported na petrolyo dahil sa tensiyon sa pagitan ng UK at Iran.

May epekto rin ang pagbaba ng reserbang suplay ng krudo ng Amerika, at banta ng supply disruption dahil sa paparating na bagyo sa US.
    
Sa loob ng 4 na linggong sunod-sunod na dagdag-presyo, umabot na ng mahigit P2 kada litro ang iminahal sa gasolina, diesel, at kerosene.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.