91 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2020 11:49 PM

Umabot sa 91 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala sa Western Visayas nitong Linggo.

Ayon sa inilabas na case bulletin ng Department of Health sa rehiyon, 67 sa mga bagong kaso ang naitala sa Iloilo, isa mula sa Iloilo City, 13 mula sa Negros Occidental, 8 mula sa Bacolod City at 2 sa Guimaras.

Walumpu't lima sa mga bagong kaso ay mga locally stranded individuals na nakabalik sa kani-kanilang mga lalawigan.

Sa 13 kaso sa Negros Occidental, 3 ang galing sa Calatrava, 2 ang sa bayan ng Cauayan, at may tig-iisang kasi mula sa Bago City, San Carlso City, Sipalay City, Victorias City, Sagay City, Talisay City, Manapla at Hinobaan.

Isa lamang sa mga nagpositibo sa lalawigan ang nasa ospital habang ang iba ay nasa quarantine facility.

Nananatili rin sa quarantine facility ang 8 nagpositibo sa Bacolod City.

Sa kabuuan, umabot na sa 552 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon, kung saan 363 ang active cases, 178 ang naka-recover habang 11 ang namatay.

Sa tala ng DOH Region 6, ito na ang pinakamataas na mga bagong kasong naitala sa loob ng isang araw.

-- Ulat nina Mark Salanga at Cherry Palma, ABS-CBN News

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.