Oil price hike nagbabadya sa Hulyo 14

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2020 05:08 PM

MAYNILA - Matapos ang rollback noong nakaraang linggo, inaasahan ang taas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Hulyo 14. 

Maglalaro sa P0.55 hanggang P0.65 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina. 

Samantala, nasa P0.30 hanggang P0.40 naman ang dagdag-presyo ng diesel at kerosene.

Paliwanag ng mga taga-industriya, tumataas na ang demand ng langis sa buong mundo habang bumabalik na sa normal ang mga industriyang nagsara dahil sa coronavirus disease 2019. 

Bago ang rollback, umabot nang P8 hanggang P10 ang itinaas ng produktong petrolyo sa loob ng 9 sunod-sunod na linggong may oil price hike.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.