Nawawalang mangingisda natagpuang palutang-lutang sa N. Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2020 09:53 AM

Nakita na ang bangkay ng mangingisda na nawala matapos tumaob ang bangkang sinasakyan nito sa baybayin ng Ilog, Negros Occidental.

Nakitang palutang-lutang sa baybayin sakop ng Barangay 1 ang katawan ni Isagani Avansenia, 32, Biyernes ng umaga.

Martes ng gabi nang tumaob ang bangka na sinasakyan ni Avansenia at ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Ivar matapos masagi ang fishing line.

Nakaligtas si Ivar matapos siya masagip ng isang dumaang fishing boat.

Ayon sa kapatid, natali ang paa ni Isagani kung kaya't tuluyan itong nalunod.

Dalawang araw ding hinanap ng Philippine Coast Guard ang nawawalang mangingisda sa search and rescue operation nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.