Lalaki patay matapos mabangga ng ambulansiya sa CamSur

Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2020 05:44 PM

PAMPLONA, Camarines Sur – Patay ang isang 66 anyos na lalaki matapos mabangga ng ambulansiya sa bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Del Rosario sa nasabing bayan. 

Ayon kay Police Staff Sgt. Ryan Sabater, pauwi na ng bahay ang biktimang si Eliseo Marco nang mabangga ng ambulansiya, Biyernes ng gabi. 

May sakay na pasyente ang ambulansiya na sa lokal na pamahalaan ng Guinyangan sa Quezon. 

Agad naman nirespondehan ng ambulansiya ng Pamplona si Marco at maging ang pasyenteng sakay ng nakaaksidente dito. 

Dinala si Marco sa Bicol Medical Center pero idineklara na itong dead on arrival.

Nasa kustodiya na ng Pamplona police ang driver ng ambulansiya. Nagkausap at pumayag na ring makipag-areglo ang pamilya ni Marco at ang driver ng ambulansiya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.