Warehouse nasunog sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 01:07 AM | Updated as of Jul 10 2020 01:53 AM

MAYNILA - Natupok ang isang warehouse sa Barangay Inarawan sa Cogeo, Antipolo nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang naturang warehouse bandang alas-9:30 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma bago ito naapula.

Idineklarang kontrolado ang sunog alas-10:15 ng gabi. 

Walang naitalang nasugatan o namatay, ayon sa BFP.

Inaalam naman ang lawak at halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.