Posibilidad sa airborne transmission ng COVID-19 pinag-aaralan ng WHO

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 06:43 PM | Updated as of Jul 10 2020 09:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nananawagan ang ilang eksperto na ipagpatuloy ang pag-iingat kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos lumabas sa isang pag-aaral na posibleng airborne ang virus na nagdudulot ng virus.

Sa scientific brief na inilabas ng World Health Organization, kasama ang airborne transmission sa kanilang mga ipinaliwanag at patuloy na inaaral.

“We have been been talking about the possibility of airborne transmission and aerosol transmission as one of the mode of transmission of COVID-19. We’re also looking at the possible role of airborne transmission in other settings, particularly closed settings,” ani Dr. Maria Van Kerokove, COVID-19 Technical Lead ng WHO.

Sa isang pag-aaral na-obserbahan maaaring manatili sa hangin nang hanggang 3 oras ang aerosol na may SARS-CoV-2 - ang termino para sa virus na nagdudulot ng COVID-19.

Pero dahil hindi pa natatapos ang pag-aaral dito, ang tanging magagawa ng publiko sa ngayon ay mag-ingat na mahawa ng virus.

"Let’s say na lang, worst case scenario, talagang may airborne transmission, ano ba ang gagawin natin para protektahan tayo? Tayo pa rin ay magma-mask, at hindi maghahawak ng ating mga mukha," ani Dr. Ana Ong-Lim, Past President ng Pedriatric Infectious Disease of the Philippines.

Ayon sa epidemiologist na si Dr. Benjamin Co, sa mga komunidad na dikit-dikit at maraming tao kumakalat ang virus.

“The more affected are actually the class C,D,E because once they get it in their communities it replicates much faster. Before you are seeing it in class A and B. Unfortunately in the lower socio economic class, once you have one, it’s so difficult to identify who they were exposed to and who they exposed,” ani Co.

Sa ngayon, droplet transmission pa rin ang tinitingnang paraan kung paano nakukuha ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Sa pag-aaral ng ibang bansa, lumalabas na ang droplets na may SARS-CoV-2 ay nananatiling aktibo at nakakahawa sa mga plastic, stainless steel nang dalawa o tatlong oras, 24 na oras sa karton at 4 oras sa copper o tanso.

Pero depende pa rin ito sa kondisyon ng paligid.

Paalala ni Lim, kahit pa kontaminado ng virus ang ilang mga bagay, hindi rin naman ito papasok sa ating katawan kung hindi nagpapabaya.

"'Yun ang ating iniingatan na hindi natin hinahawakan for any viral or any bacterial infection for that matter. Paano naman lilipat yung mikrobyong yun sa mukha o bibig o ilong natin kung hindi tayo hahawak o naghuhugas ng kamay,” ani Lim.

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.