Vendors balik sa puwesto ilang oras matapos ang clearing ops sa Baclaran

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 11:25 AM | Updated as of Jul 10 2019 11:33 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Balik muli ang illegal vendors sa kanilang mga dating puwesto sa kahabaan ng Taft Avenue Extension sa Baclaran, ilang oras lang matapos ang clearing operation na ikinasa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkoles.

Mula sa kanto ng EDSA papasok ng Taft Avenue Extension ay sasalubong na muli ang mga pedicab at tricycle na nagkaka-counter flow, nagte-terminal, at humaharang sa daan.

Pag-usad naman sa Parañaque area ng Baclaran, kumapal muli ang mga vendor sa kanto ng Quirino Avenue kung saan 2 lane ng kalsada ang pinuwestuhan nila.

Maaalalang nitong umaga lang ay lumibot ang MMDA sa lugar para baklasin ang mga nakahambalang na tindahan.


—Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.