Lalaki 'napagkamalang informer,' patay sa pamamaril sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 04:23 PM | Updated as of Jul 10 2019 07:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang suspek sa pagbaril sa isang lalaki sa Barangay Baclaran, Parañaque City noong Lunes.

Isang notoryus na hitman at tulak ng droga umano ang namaril sa 24 anyos na biktimang si Ruel Rejuso, ayon kay Maj. Nicanor Lambino, chief investigator ng Parañaque police.

Posibleng napagkamalan ng suspek na informer ang biktima, ani Lambino.

Naglalakad si Rejuso sa may Barangay Baclaran noong hapon ng Lunes nang sundan siya ng suspek at barilin nang 3 beses, base sa kuha ng closed-circuit television sa insidente.

Tumakas patungo sa direksiyon ng Pasay ang suspek matapos ang pamamaril.

Naitakbo pa sa ospital si Rejuso pero binawian din ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa likod at mukha. -- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.