4 patay sa magkakahiwalay na buy-bust ops sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 02:47 PM | Updated as of Jul 10 2019 06:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Apat na drug suspect ang napatay sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Laguna.

Sa bayan ng Siniloan, napatay noong gabi ng Martes si Jonathan Belmonte matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na nagpanggap na bibili ng shabu sa may Siniloan-Infanta Road, Barangay Macatad.

Nakatakas naman ang isang kasamahan ni Belmonte.

Napatay naman sa Biñan City si Patrick Arcilla na nakuhanan ng isang kalibre .38 na baril at halos P50,000 halaga ng shabu.

Nasawi naman sa buy-bust sa Barangay Canlalay si Angelito Villafania.

Kapuwa nasa drugs watch-list at nanlaban sina Arcilla at Canlalay, ayon kay Lt. Col. Danny Mendoza, hepe ng Biñan police.

Isang drug suspect din ang napatay sa buy-bust sa Santa Cruz, Laguna.

Bukod sa mga nasawi, may 43 naman ang naaresto sa Biñan City na pawang mga gumagamit at nagbebenta umano ng shabu.

Kinasuhan ang mga nahuli ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.