2 trabahador, nakuryente sa Zamboanga City

Jewel Reyes, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 04:33 PM

Tumama umano ang kabilya sa primary line kaya't nakuryente ang mga trabahador. Jewel Reyes, ABS-CBN News

Dalawang construction workers ang nagtamo ng mga sugat sa katawan matapos na makuryente sa Sto. Niño, Barangay Putik, Miyerkoles ng hapon.

Nakilala ang mga biktima na sina Roldan Salibat, 34-anyos, at Wilson Unong, 31; kapwa residente ng Zamboanga del Norte.

Nakuryente sila matapos na tumama umano ang steel bars sa primary line habang nagtatrabaho sa construction site.

Dinala ang mga biktima sa Zamboanga City Medical Center.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.