Ilang mambabatas nakiusap sa mga kasamahan para sa ABS-CBN franchise

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2020 07:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Huwag patayin sa komite ang ABS-CBN franchise renewal application, iyan ang panawagan ng ilang mambabatas bago nagsimula nitong Huwebes ang summation ng mga pabor at kontra sa network. 

Nanawagan si Cebu City Rep. Rodrigo Abellanosa sa mga kasamahan na hayaang buong Kamara ang humatol sa kapalaran ng kompanya.

"I'm hoping this issue can proceed and be taken up [for] second and third reading in plenary to give opportunity to all representatives of the people... and to have our voices heard and votes counted given this issue is of national importance," ani Abellanosa. 

Dagdag pa ni Baguio City Rep. Mark Go, hindi solusyon sa mga labor issues ng kompanya ang pagpapasara dito.

"Let it be known that in the issue of granting ABS-CBN a new franchise, those bearing the brunt of the commotion surrounding it are not limited to the Lopezes, the Katigbaks, or the network's roster of celebrities... Those who undoubtedly suffer from the lack of decisive action on ABS-CBN's authorization to operate... are the Filipino people," ani Go.

Pero inakusahan rin ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang ABS-CBN at pamilya Lopez ng paggamit sa impluwensiya ng media network para isulong ang iba nitong negosyo.

Pero puna ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi tamang bulatlatin ito ngayon dahil hindi na makakasagot mula sa panig ng ABS-CBN.

Sa kabuuan, 12 pagdinig ang isinagawa ng Kamara para talakayin ang ABS-CBN franchise bills.

Hanggang ngayon ay wala pa ring itinakdang petsa kung kailan pagbobotohan ng mga mambabatas ang kapalaran ng ABS-CBN.

Nasa higit 11,000 manggagawa ang nanganganib mawalan ng trabaho kapag ipinasara ang ABS-CBN. —Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.