Higit P1 milyong halaga ng shabu nasabat sa Caloocan; 2 lalaki tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2020 05:57 AM | Updated as of Jul 09 2020 07:50 AM

Higit P1 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Caloocan nitong Huwebes ng hatinggabi kung saan dalawang lalaki ang nahuli.

Ayon sa pulisiya, 12:45am nang maaresto nila sina "Kevin" at "Michaelangelo" matapos mahulihan ang mga ito ng 5 sachet ng shabu na may halagang aabot sa P1.3 million.

Parehong taga Barangay 188 sa Tala, Caloocan ang mga suspek.

Walang trabaho umano si Kevin habang helper naman si Michaelangelo.

Kulong ang dalawa sa Caloocan Custodial Facility.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.