Augmentation buses ng MRT-3 mas pinaaga ang biyahe

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2020 05:53 AM | Updated as of Jul 09 2020 06:07 AM

MAYNILA - Mas pinaaga ang biyahe ng mga augmentation buses sa MRT-3 stations.

Nitong Huwebes, alas 4 ng umaga bumiyahe ang unang trip ng augmentation buses sa halip ng naunang schedule na ala 5:30 ng umaga.

Ayon sa Department of Transportation, ito'y bilang tugon sa hiling ng mga commuter at para hindi masyado sumikip. 

Tatlo lang ang sakay ng unang bus na bumiyahe. Mabilis ang pagitan ng mga trip, bumibiyahe kasi ang mga bus kahit hindi mapuno.

Ikinatuwa naman ng mga pasahero ang mas maagang biyahe.

"Maganda, kasi malayo pa ang pupuntahan ko," ani Ramil Dano, pasahero.

"Maganda, mas maaga," dagdag ni Emily na pasahero rin.

Walang operasyon ang MRT hanggang sa July 11 para bigyang daan ang swab test dahil sa dumaraming kaso ng COVID19 sa mga personnel nito.--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.