Mga progresibong grupo sa Iloilo City, nagprotesta laban sa umano'y panggigipit ng gobyerno

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2019 05:21 AM

ILOILO CITY - Nagprotesta ang ilang progresibong grupo sa harap ng Camp Delgado sa Iloilo City Lunes dahil sa umano'y panggigipit ng gobyerno sa kanilang mga lider.

Kinondena ng mga miyembro ng mga grupong Kadamay, Kaisog at Gabriela ang umano'y pangha-harass sa organizer ng Kaisog na si Wilfredo Panuela noong Linggo.

Ayon sa grupo, malinaw na panggigipit ng gobyerno ang ginagawa sa mga lider ng mga lehitimong organisasyon.

Ayon kay Panuela, mga ahente ng National Bureau of Investigation at Philippine Army ang dalawang lalaki na pumunta sa kanilang bahay.

Mariin namang itinanggi ng NBI at Philippine Army na kanilang ahente o asset ang dalawang lalaki. Dagdag pa, nila idinawit lang ang pangalan ng NBI at Philippine Army para makalapit kay Panuela.

Handa ang dalawang ahensya na tumulong sa pagkilala sa dalawang lalaki. Pero kailangan din nila ang kooperasyon ng nagrereklamong si Panuela.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.