P300,000 halaga ng marijuana nasabat sa Quezon City; 3 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2020 06:04 AM

MAYNILA - Nasa P360,000 halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Tandang Sora, Quezon City nitong Martes.

Humigit-kumulang 3 kilo ang bigat ng nasabat na kontrabando.

Ayon kay Police Lt. Col. Noli Abalos, hepe ng QC Police District Station 10, naaresto din nila ang 3 suspek sa naturang buy-bust matapos makipagtransaksyon ang mga ito sa poseur buyer ng pulisya.

Sa Metro Manila umano ang karaniwang bagsakan ng droga ng mga suspek.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.