Duterte nagtalaga ng mga bagong associate justice sa Court of Appeals

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2019 11:47 PM

MAYNILA—Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ng mga bagong associate justice ng Court of Appeals (CA) para sa 4 na nabakanteng puwesto.

Itinalaga ng pangulo si Alfredo Ampuan kapalit ni Justice Jose C. Reyes Jr. na una nang na-appoint sa Korte Suprema.

Si Lily Biton naman ang pupuno sa puwesto ng nagretiro ng si Justice Magdangal De Leon.

Si Angelene Mary Quimpo-Sale sa nabakanteng puwesto ni Justice Renato C. Francisco.

Habang si Carlito Calpatura ang pupuno sa nabakanteng puwesto ni Justice Romulo V. Borja.

Samantala, itinalaga rin ni Duterte si Jean Marie Bacorro-Villena bilang bagong Associate Justice ng Court of Tax Appeals (CTA).

Papalitan ni Villena ang nabakanteng puwesto ni dating CTA Justice Lovell Bautista.—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News