BALIKAN: Mga isyung ipinukol sa ABS-CBN sa pinakahuling franchise hearing

RG Cruz, ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 08:42 PM | Updated as of Jul 07 2020 09:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Noong Lunes ay ginanap ang inaasahang huling pagdinig ng Kamara para sa franchise application ng ABS-CBN. 

Tinalakay dito ang umano'y "biased reporting" ng ABS-CBN at ang kanila umanong pamumulitika sa pagbabalita. 

Tatlong beses nagsalita at nagtanong si dating Health Secretary at Iloilo Rep. Janette Garin kung saan kinuwestiyon niya ang pagpili ng news department sa health consultant na iniimbitahang magbigay ng opinyon sa isang istorya.
    
Inungkat ang naging pagbabalita sa sakit sa balat sa Pangasinan at bakuna sa dengue na Dengvaxia.

Sinisi rin niya ang network sa pagbalik ng ilang dating sakit.
    
Pero para kay BUHAY party-list Rep. Lito Atienza, hindi tamang ginugol ni Garin ang oras ng komite para singilin ang ABS-CBN News sa coverage ng Dengvaxia na kaniyang ipinatupad noong siya'y Health Secretary.

"For Secretary Garin who monopolized practically the one-third of this afternoon session, my piece of advice to you. 'Wag mo na masyadong ipaliwanag ang sarili mo at idepensa mo. The DOJ has already recommended your indictment for serious dereliction of duty, reckless imprudence resulting in the death of children. May mga apo ho akong nabakunahan na hanggang ngayon alangan, baka naapektuhan sila ng Dengvaxia ninyo," ani Atienza.

"You prepare yourself for legal defense. Not in this Congress. Your cause and case has nothing to do with ABS-CBN franchise application.... If you are guilty, innocent, I'm sure they will give your day of glory but if you're proven guilty of reckless imprudence resulting in death of children... I hope you all rot in jail," dagdag ni Atienza. 

Pumalag naman si Garin sa sinabi ni Atienza. 

"Point of order. Point of discussion [here] is ABS-CBN franchise. I move [that] his statement be stricken off record," ani Garin.

Pansamantalang sinuspinde ang umiinit na debate.

Bago natapos ang hearing bandang hatinggabi, pinarinig ni 
Garin sa komite ang kaniyang interview, na aniya'y hindi buong naiere sa ABS-CBN. 

"I’d like to insert into the records my interview with DZMM. I said bilang Pilipino, doktor humihingi ako ng paumanhin na minsan nagtatalo mga doktor. I was asked 'Kayo ba natatakot?' sabi ko because we have the truth sabi ko wala kami dapat katakutan," ani Garin. 

Sinabi naman ni ABS-CBN CEO and president Carlo Katigbak na sisiyasatin ng kompanya ang puna ni Garin.

"BIASED REPORTING"

Watch more in iWant or TFC.tv


Bukod naman kay Garin, lumutang din ang reklamo ng ilang mambabatas ukol sa news coverage at komentaryo ng ABS-CBN News.

Pinuna ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang pagkakasulat ng ilang headline ng ABS-CBN News. 

"Nung pumanaw po si dating [DFA Secretary] Perfecto Yasay, ang headline niyo, 'Ex-DFA chief Yasay, who led Duterte's China pivot, dies.' Lalagyan pa niyo kasi ng ewan ko bakit kailangan lagyan ng elemento," tanong ni Marcoleta.

Sinagot naman ito ni ABS-CBN news chief Regina Reyes. 

"There was no malice... that's fact... We go through this editorial process everyday. It is our job. In headline gathering there are times when context is needed," ani Reyes. 

Giniit rin ni Marcoleta na di patas ang coverage sa kanya ng ABS-CBN sa franchise hearings.

Tiniyak naman ni Katigbak sa mga mambatas na bukas ang kompaniya para sa kanilang panig.

"I would like to make a public commitment that any public official will be given airtime on ABS-CBN to express their side on any issue that is being raised against them," aniya. 

Para naman sa iba, hindi tamang pag-usapan sa hearing ang isyu ng bias dahil posibleng labag ito sa Saligang Batas.

"I strongly believe... that to discuss the alleged bias in the hearing of the application for the renewal of the franchise is tantamount to prior restraint on press freedom, and is violative of what is enshrined in our Constitution, in the long line of jurisprudence, and in international convention," ani Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato.

"Hindi papel ng Kongreso ang pagtatakda kung ano at paano ang gagawing pagbabalita ng mga mamamahayag. Ang dapat maging papel ng Kongreso ay tiyakin ang mga kasama ng media na malayang nagagawa ang kanilang trabaho," ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate. 

"The fault-finding against ABS-CBN has gone too far, leaving more jobs lost and millions of Filipinos without access to news and entertainment. Amid the pandemic when firms are closing and downsizing with millions of displaced workers, and unemployment is at an all-time high, the government must focus instead on supporting local enterprises and preserving jobs," ani Kabataan Rep. Sarah Elago. 

POLITICAL ADVERTISEMENT

Watch more in iWant or TFC.tv


Isa rin sa mga tinalakay sa hearing ay ang isyu sa political advertisements kaugnay sa halalan noong 2016.
    
Lumabas sa pagdinig na hindi lamang sina Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Alan Peter Cayetano ang may political ads na hindi umere sa ABS-CBN.

Hindi rin umano naiere ang ads nina dating presidential candidates Mar Roxas at Miriam Defensor-Santiago at vice presidential candidates Antonio Trillanes, Francis Escudero at maging Vice President Leni Robredo.

Ito'y dahil puno na ang available advertising spots.

"Assuming we're on air during next campaign period, we already committed to put together an online system for the purchase of political ads so there's full transparency as to first come first serve policy," ani Katigbak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.