200 pamilya nasunugan, fire volunteer sugatan sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 03:45 PM | Updated as of Jul 07 2020 08:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan habang isang fire volunteer naman ang nasugatan sa sunog na nangyari sa Barangay Talipapa, Quezon City.

Bandang alas-11 ng umaga nagsimula ang sunog, na umabot hanggang ikatlong alarma at naideklarang fire out bandang alas-12:29 ng tanghali, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Ayon kay Fire Chief Inspector Joseph del Mundo, iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.

Sinasabing nag-umpisa ang sunog sa bahay ng isang pamilya Escalanda.

Pinalikas muna ang mga apektadong pamilya sa covered court, ayon kay Erik Juan, chairperson ng Barangay Talipapa.

Umapela naman ng tulong ang mga nasunugan para muling makabangon.

-- Ulat nina Doland Castro at Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.