Failon Ngayon: Nutrisyon para sa susunod na henerasyon

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2019 12:11 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Apat na milyong bata na may edad 5 pababa ang apektado ng malnutrisyon base sa tala ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology noong 2018.

Tugon ng gobyerno para labanan ang malnutrisyon ay ang pambansang feeding program sa pamamagitan ng Masustansyang Pagkain Para Sa Batang Pilipino Act.

Pangungunahan ng DSWD at DepEd ang implementasyon nito sa Agosto.

Ito ay para sa mga batang mag-aaral sa pampublikong mga paaralan, mula kinder hanggang Grade 6.

Sa ngayon ay nakapako sa P15 ang bawat araw na pagkain ng bawat bata sa loob ng 120 araw sa isang taon.

Malayo sa ideyal na budget na dapat ay P22 hanggang P25. Pero may munghaki naman ang DepEd na itaas ang P15 na pondo sa P22.

---------------------------
Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng Pinoy Brother Otso alas-11 ng gabi sa ABS-CBN! 

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas-2 ng hapon. 

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, https://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.
 
I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa https://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.ph