Trak na may kargang bakal tumagilid; 2 patay

Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2019 01:13 PM | Updated as of Jul 06 2019 07:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Pumanaw na rin ang driver ng isang 18-wheeler truck na may kargang mga bakal na tumagilid sa Nasugbu, Batangas, Sabado ng umaga, ayon sa pulis.

Ayon sa Nasugbu Police, naisugod pa sa Jabez Medical Center ang driver habang namatay sa pagkakaipit sa tumagilid na trak ang pahinante nito.

Pagkalipas ng ilang oras ay namatay na rin ang driver.

Tumagilid ang trak na may kargang mahigit sa 600 steel bars sa pakurbadang bahagi ng national road sakop ng Sitio Bayabasan sa Barangay Aga.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.