Higit 30 bahay nasunog sa Makati

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2019 03:28 PM

MAYNILA - Mahigit 30 bahay ang natupok ng sunog na sumiklab sa isang residential area sa Constancia Street sa Barangay Olympia, Makati City, Sabado ng umaga.

Bandang alas-8:46 ng umaga nang mag-umpisa ang apoy na umakyat pa sa ikatlong alarma. Pasado alas-10 ng umaga nang ideklarang fire under control ang sunog.

Sa tala ng mga tauhan ng Philippine Red Cross na rumesponde sa lugar, isang lalaki ang nasaktan sa sunog.

Samantala, nahirapan ang mga bombero sa pag-apula ng apoy dahil sa kipot ng daan sa lugar.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.