ALAMIN: Galaw sa presyo ng petrolyo simula Hulyo 9

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2019 05:55 PM

MAYNILA — Magkahalong good news at bad news ang sasalubong sa mga motorista sa Martes kung kailan nakatakdang gumalaw ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Magkakaroon kasi ng rollback sa diesel at kerosene pero mayroon namang taas-presyo sa gasolina. 

Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo:

  • Diesel - P0.40-P0.50/liter (BAWAS)
  • Kerosene - P0.30-P0.40/liter (BAWAS)
  • Gasoline - P0.20-P0.30/liter (DAGDAG)

Paliwanag ng mga taga-industriya, humina ang pangangailangan o demand sa diesel sa buong mundo kaya may bawas pero lumakas naman sa gasolina kaya nagmahal ito.
    
Nakatulong din ang paglakas ng piso laban sa dolyar kaya nagkaroon ng tapyas-presyo sa diesel at gaas.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.