1 patay, 9 arestado sa buy-bust sa Lucena City

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2018 10:05 AM

LUCENA CITY - Isa ang patay habang 9 katao naman ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod na ito, Biyernes ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Fernando Ibañez, alyas Jepoy, na umano'y number 1 drug personality sa lungsod.

Ayon sa pulisya, nanlaban umano si Ibañez sa operatiba ng Lucena Drug Enforcement Unit na nagsagawa ng buy-bust operation sa Purok Bagong Buhay, Dupax, Barangay Cotta.

Nakabili umano ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang nagpakilalang buyer sa suspek at 2 kasamahan nito sa halagang P500.

Naaresto din sa umano'y drug den ang iba pang kasamahan ng suspek na nahuling gumagamit ng droga, kabilang ang isang menor de edad.

Narekober ng awtoridad ang may 11 sachet ng shabu, at isang nakabukas din na sachet ng naturang droga at baril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.