Pulis huli sa Pampanga drug bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2020 02:14 PM

Arestado ang isang pulis sa buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga madaling araw ngayong Linggo.

Dinampot bandang alas-2 ng madaling araw si alyas "Francis" matapos umano nitong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang kapuwa pulis na nagpanggap na buyer.

Si "Francis" ay aktibong pulis na nakatalaga sa Highway Patrol Group sa Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police sa Quezon City.

Nakuha kay "Francis" ang 3 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P84,000, baril, bala, at ang buy-bust money.

Mahaharap ang pulis sa kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. -- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.