Lolo nawalan ng P124,000 sa 'love scam'

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 06:58 PM

Huli ang isang babae matapos tangayan ng P124,000 ang isang 71 anyos na lalaking kumagat sa "online love scam" modus ng isang nagpanggap na Amerikanang retiradong sundalo. 

Kinilala ang suspek bilang si Pelagio Dumasig, na inaresto ng National Bureau of Investigation matapos kumuha ng padalang pera ng biktima sa remittance center sa Navotas City. 

Kuwento ng biktimang si "Cesar" kinaibigan daw siya sa Facebook ng suspek. 

Matapos ang isang buwang pakikipag-usap, nagpadala raw ito ng retrato ng ng maleta na may pera at alahas na naipit sa Bureau of Customs. 

Dahil dito nakumbinsi ang biktimang magpadala ng P124,000 para bayaran umano ang paglabas ng maleta. 

Humingi pa raw ng dagdag na P168,000 ang ka-chat. Dito na raw nagduda si Cesar lalo’t inutang lang niya ang pinadalang pera.

Giit ng suspek, inutusan lang siya na pumunta sa remittance center para kunin ang pera. 

Ayon sa NBI, kadalasang target ng naturang modus ang mga may edad na at aktibo sa pagkikipagchat. 

Kinulong si Dumasig sa kasong estafa habang pinaghahanap ang kaniyang mga kasabwat. 

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.