Negros Oriental nadagdagan ng 11 kaso ng COVID-19; 7 sundalo positibo

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2020 04:40 PM | Updated as of Jul 04 2020 06:34 PM

Negros Oriental Capitol. Mitch Miranda Lipa, ABS-CBN News

Labing-isang bagong kaso ng COVID-19 kabilang ang 7 sundalo ang naitala sa Negros Oriental.

Ayon kay Dr. Liland Estacion, Assistant Provincial Health Officer, ang mga sundalo ay kabilang sa 302nd Infrantry Brigade na nakabase sa lungsod ng Tanjay.

Galing Cebu ang mga sundalo sa kanilang assigment mula noong Marso. Dumating sila sa kanilang kampo sa Tanjay noong Hunyo 25 at walo sa kanila ang nagpakita ng sintomas.

Isinailalim sila sa RT-PCR test ng noong Hunyo 30 at lumabas ang resulta nitong Biyernes. Nasa isolation area na ang sundalo dahil sa ipinapakitang mild symptoms.

May apat pang residente ng lalawigan ang nagpositibo sa COVID-19. 

Lahat sila ay stranded individuals mula Cebu. Isa sa kanila, edad 45 anyos, ay kabilang sa Allowed Person Outside Residence na taga bayan ng Mabinay. 

Ang tatlo pang iba ay ang 36 anyos na lalaki na taga Guihulngan City, 36 anyos na babae nga taga bayan ng Amlan, at ang 20 anyos na lalaki na taga bayan ng Jimalalud. 

Lahat sila ay asymptomatic at nasa isolation area sa kanilang Local Government Unit. 

Sa kasalukuyan, may 39 positive cases na Negros Oriental. -- Mitch Lipa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.