Domestic, international flights sa Clark, madadagdagan ngayong Hulyo

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2020 12:37 AM

Inaasahang mas maraming inbound at outbound flights ang maseserbisyuhan ng Clark International Airport ngayong Hulyo, ayon sa mga awtoridad nitong Biyernes.

Nasa 24 inbound at outbound flights na ang dumaan sa Clark International Airport mula nang magbalik ang commercial operations nitong noong Hunyo 5.

Tinatayang 5,000 na overseas Filipinos na rin ang lumapag sa paliparan simula nang lumawak ang coronavirus pandemic.

Hindi naman bababa sa isa kada linggo ang flights sa Incheon, Korea via Jin Air at JeJu Air. Tuloy-tuloy na rin ang dalawang beses sa isang linggong commercial flights ng Emirates na pa Dubai.

Patuloy na rin ang paglipad ng AirAsia mula sa Clark patungo sa Davao tuwing Sabado, habang ang Philippine Airlines ay magpapatuloy sa operasyon sa naturang airport para sa flights nito papunta din ng Davao na tuwing Biyernes.