Caraga Region nagtala ng 23 panibagong kaso ng COVID-19

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2020 12:35 AM

BUTUAN CITY - Kinumpirma ng Department of Health sa Caraga na may 23 bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon, base sa natanggap na resulta ng mga coronavirus test nitong Biyernes.

Karamihan sa mga pasyente ay stranded at asymptomatic o walang iniindang sintomas. May 161 na ang kumpirmadong kaso sa Caraga.

Ani Dr. Rodolfo Albornoz, assistant regional director ng DOH-Caraga, 50 kaso ang nabuong bagong tala sa rehiyon dahil 27 dito ay follow-up results ng nakaraang COVID-19 cases.

“It is with dismay that we announce that 50 samples tested positive for COVID-19, 27 were follow up test of previously confirmed cases and 23 are new cases," aniya.

Walong kaso sa Surigao del Norte, 5 kaso mula sa Agusan del Norte, 8 4 sa Agusan del Sur, 2 sa Surigao del Sur, 2 sa Butuan City, at tig-iisang kaso ang naitala sa Bayugan at Bislig City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.