Balyenang napadpad sa dalampasigan, nasagip sa Cagayan

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2018 03:43 AM

Dinala ng mga awtoridad at residente sa gitna ng dagat ang naisalbang pygmy sperm whale sa Cagayan noong Linggo. ABS-CBN News

Nasagip ang isang balyenang napadpad sa dalampasigan ng Barangay Santa Cruz, Santa Ana, Cagayan noong Linggo.

May habang 2.5 metro at timbang na 250 kilo ang pygmy sperm whale, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region 2.

Mayroon umano itong mga sugat na posibleng kagat ng pating.

Nailigtas ang isang 250-kilong balyenang napadpad sa dalampasigan sa Cagayan noong Linggo. ABS-CBN News

Pinagpahinga muna ang balyena bago pinagtulungan ng Marine Mammal Stranding Network at mga residente na dalhin sa gitna ng dagat. 

Nagpaalala ang BFAR sa mga makakakita ng marine mammals na huwag sasaktan dahil protektado ang mga ito sa ilalim ng Fisheries Code of the Philippines.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.